Bagong tradisyon sa Taiwan: pole dancing tuwing Mid-Autumn Festival
Ang pole dancing ay isang paraan ng pagsalubong sa maligayang pagdating ng Diyosa ng Dagat na si Mazu, sa Taiwan.
Ang kilalang Mazu ay nanggaling sa China, at dumating sa siudad ng Taichung, sa Taiwan, itong linggo.
Ang Diyosa ng Dagat ay iikot sa Taiwan sa loob ng limang araw, kung saan libo-libong katao ang magtitipon para sa kanyang paglalakbay -- at para na rin mapanood ang pagpo-pole dancing ng dalawampung magagandang babae. May libre nang show, may libre pang pagkain!
Padating ng Mid-Autumn Festival ay magsasama-samang muli ang mga Mazu na nasa dalawampung bansa, at ang ibang Diyos at Diyosa sa mahigit na tatlong daang templo sa Taiwan.
May mga nagsasabi na ang pole dancing ay kailangang palitan ng mas tradisyonal na pagdiriwang, dahil ang ganyang klaseng pagsayaw ay nakakawalang-galang sa mga Diyosa.
Pero may mga nagsasabi rin na ang pole dancing ay nakakaakit ng atensiyon ng maraming tao, at ito ang nagpapasaya kay Mazu.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH