Home Depot, sinisingil ng pera ang mga nahuhuling shoplifter

2015-05-12 8

Home Depot, sinisingil ng pera ang mga nahuhuling shoplifter

Ang kumpanyang Home Depot sa Estados Unidos, ay inaakusahang sapilitang hinihingan ng pera ang mga shoplifter, o magnanakaw.

Si Jimin Chen ay nagpunta sa Home Depot, kasama ang isang kaibigan, upang mamili ng tabla.

Nagbayad siya ng halagang 1,445 dollars at 90 cents para sa kanyang mga material, ngunit nakalimutan niyang bayaran ang guwantes, na naghahalang 4 dollars kada pares.

Baka makalabas ng shop si Chen ay pinigilan siya ng security guard, at sinita siya at ng kanyang kaibigan sa kanilang 'pagnakaw' diumano ng guwantes.

Dinala nitong security guard ang magkaibigan sa isang maliit na kuwarto, at binigyan sila ng papeles para pirmahan -- ayon sa papeles, pumapayag sila na hindi sila babalik sa Home Depot sa loob ng siyamnapung araw. Inatake ng asthma si Chen, ngunit hindi siya pinayagang lumabas ng kwarto para kunin ang kanyang inhaler, at hinand-cuff pa siya ng guard.

Pinilit sila ng guard na pirmahan ang papeles, at saw akas ay pumayag na si Chen at ang kanyang kaibigan.

Hindi nagtagal, ay nakatanggap si Chen ng dalawang sulat mula sa abogado ng Home Depot, na ang sabi ay may utang si Chen sa kumpanya, sa halagang 350 and 625 dollars.

Hindi nagbayad si Chen, at Kasalukuyan niyang dinedemanda ang Home Depot.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH