Taiwanese College girls, biktima ng sexual selfies scam

2015-05-12 1

Taiwanese College girls, biktima ng sexual selfies scam

May bagong scam na nagsimula sa LINE Messenger.

Ayon sa kuwento ng Taiwanese na kolehiyala na si Song, dalawampu't isang taong gulang, sumali siya sa isang grupo sa Facebook na itinatawag na "Shiba Inu." Dahil sa grupong ito ay naging Facebook friends si Song at isang lalaking nagngangalang "Wang Xiao Hao." Si Wang ay nagpadala ng message kay Song, at ang sabi nito ay na-hack ang account ni Song, at matutulungan lamang siya ni Wang kung si Song ay mag-upload ng kanyang mga personal na litrato sa test system ng LINE. Matapos nito ay humingi si Wang ng topless na litrato ni Song.

Buti na lang at hindi Gawain ni Song na mag-pose nang naka-topless, at nang ikuwento niya ang mga pangyayari sa kangyang kaibigan, nalaman nila na ang lahat pala ng ito ay bahagi ng isang scam. Ipi-nost ni Song and kanyang kuwento sa Facebook para magsilbing babala sa iba, pero marami na palang nabiktima.

Tinawag ito ni Song sa pulis, and ang pulis na rin mismo ang nagbabala sa mga netizens na huwag agad-agad maniniwala sa mga email, huwag ipamimigay ang kanilang password sa kung kanino, at regular na palitan ang mga passwords para hindi sila ma-hack.

Ang pag-hack ng account ng iba ay krminal na aksiyon at maaring mauwi sa pagkulong ng tatlong taon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH