VIDEO: Boeing 737, nag-crash bago makapag landing sa Kazan, Russia

2015-05-12 1

VIDEO: Boeing 737, nag-crash bago makapag landing sa Kazan, Russia

Makikita natin sa video na ito ang isang eroplanong bumangga sa Kazan international airport sa Russia, at sumabog sa impact. Namatay ang limampung pasahero.

Ang Flight U363 ay lumipad mula sa Domodedovo airport sa Moscow, 6:25pm noong Linggo, papunta sa Kazan, sa Tatarstan.

Sinubukang mag-landing ng eroplano ng dalawang beses...

at ayon sa report, sinabihan ng crew ng Boeing 737 ang air traffic control na hindi pa sila handang mag-landing, pero hindi sila nagbigay ng dahilan.

Sa kanilang pangalawang pagtangkang pag-landing, ay bumangga ang eroplano sa tarmac.

Sumabog ang fuel tank, at umapoy ang buong eroplano.

Lahat ng pasahero -- limampung tao -- ang namatay. Kabilang na riot ang anim na crew members. Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng dahilan ng aksidente.

Isang reporter na nakasakay sa flight na mas maagang umalis mula Kazan hanggang Moscow noong araw na iyon ay nagsabing nakaramdam siya ng malakas na vibration or pag-ugong nang sila ay lumanding.

Ang eroplanong nag-crash ay may dalawampu't tatlong taon nang lumilipad, at isang beses na itong napinsala sa pag-landing, noong 2001.

Si Irek Minnikhanov, anak ng president ng Tatarstan, ay kabilang sa mga biktima ng aksidente.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH