Teenager, kinulong sa Rikers Island para sa krimen na hindi niya ginawa
Isang lalaki mula sa New York ay napalaya mula sa bilangguan, matapos itong makulong ng lampas tatlong taon, habang naghihintay ng trial para sa isang krimen na hindi niya isinagawa.
May 14, 2010. Ang 16-year-old na si Kalief Browder ay naglalakad pauwi mula sa isang house party sa Bronx, New York, nang bigla siyang inaresto ng pulis para sa isang pagnanakaw.
Kinulong si Browder sa Riker's Island jail, isa sa pinaka-bayolenteng bilangguan sa Estados Unidos.
Ang kanyang bail ay naka-set sa 10,000 US dollars, na tiyak na hindi makakayanang bayaran ng pamilya ni Browder.
Si Browder diumano ay dumaan sa pisikal na pag-abuso at pag-asulto sa loob ng Riker's; at naisipan din nitong magpakamatay.
Nang binigyan siya ng isang plea deal itong nakaraang Enero, hindi niya ito tinanggap dahil ayaw niyang mag-plead ng guilty para sa isang krimen na hindi naman niya ginawa.
Noong Hunyo, na-drop ang lahat ng charges laban kay Browder, at siya ay napalaya nang walang ibinigay na paliwanag o paghingi ng paumanhin.
Si Browder ay nag-file ng civil suit laban sa siudad ng New York, para sa tatlong taon ng kanyang buhay na hindi na maibabalik. Siya ay kasalukuyang nag-aaral para makuha ang kanyang GED, at naghahanap ng trabaho.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH