Japanese voice actress Tomoko Kaneda, ikinasal na!
Ang Japanese na voice actress na si Tomoko Kaneda, kilala para sa kanyang boses bilang mga cartoon characters na sina Azumanga Daioh at Oshiri Kajiri Mushi, ay nagpakasal! Ito ay kanyang ioinaalam sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang blog.
Si Kaneda ay nakilala dahil sa kakaibang taas ng kanyang boses, na parang boses ng bata. Ang kanyang boses ay ginamit bilang boses ng batang lalaki, batang babae, mga hayop, at pati mga matatandang tao. Siya rin ay madalas na mag-guest sa mga variety shows.
Ang kanyang napangasawa ay ang Japanese actor na si Wataru Mori, na magaling rin sa sports.
Si Kaneda ay sampung taon na mas matanda kay Mori.
Noong November 22, ay lumabas sa kanilang mga blogs ang balitang sila ay kinasal. Ang November 22 ay Nice Couples Day, isang unofficial holiday sa Japan, na para sa mga may partner.
Ayon sa blog ni Kaneda, siya ay napakasayang ikasal, samantalang sa blog naman ni Mori, ay mas magpupursige siya sa kanyang trabaho at pag-work out.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH