Satellite photos: Prison camps sa North Korea, parami ng parami!

2015-05-12 13

Satellite photos: Prison camps sa North Korea, parami ng parami!

North Korean prison camps, palaki ng palaki, ayon sa mga litratong nakunan ng satellite.

Ayon sa human rights group na Amnesty International, ang brutal na labor camps sa North Korea ay may nakakulong na 130,000 na tao.

Makikita natin sa litratong ito, na nakunan ng isang satellite itong taon, ang camp 16 -- na ginagamit sa pagkulong ng mga political prisoners, at ito ay may kalahati ng laki ng Hong Kong. At mas lalo pa itong lalaki, sa pagdagdag ng bagong housing blocks. Sa camp 15, tinanggal na ang mga lumang building, at anim na bagong building ang naipatayo.

Pinaniniwalaan na karamihan ng nakakulong sa mga camp na ito ay napatay dahil isa sa kanilang pamilya ang pinaniwalaang guilty sa isang krimen.

Isang dating guard sa camp 16 noong 1980s hanggang sa gitna ng 90s, ang nagsabing ang mga nakakulong sa camp ay pinagtatrabaho mula araw hanggang gabi, at napilitan pang maghukay ng sarili nilang libingan, bago sila patayin sa pamamagitan ng paghampas ng martilyo.

Ang mga babaeng nakakulong ay madalas dawn a ma-rape ng mga opisyal, at pinapatay pagkatapos para hindi nila mai-report ang mga gawaing ito, Ayon sa isang nakatakas na prisoner, nakakita siya ng dalawang prisoner na nahuling tuakas at sila ay binugbog ay in-execute sa harap ng publiko.

Sa website ng Amnesty, naka-quote ang researcher na si Rajiv Narayan sa pagsabing, sa ilalim ng bagong pangulo na si Kim Jong-Un, ang North Korea ay nilalabag ang lahat ng maiisip nating karapatan ng bawat taong nabubuhay."


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH