Taiwanese beauty queen na nabuntis, namatay sa isang car crash

2015-05-12 1

Taiwanese beauty queen na nabuntis, namatay sa isang car crash

Isang beauty queen, nasunog sa car crash bago niya nasabi sa kanyang boyfriend ang kanyang sikreto

Isang car crash ang nangyari sa Danshui, New Taipei City, sa Taiwan, madaling araw noong Miyerkules.

Isang mamahaling sedan ang sumabog matapos itong bumangga sa isang traffic divider.

Sumugod sa eksena ang mga bumbero, pero ang 34-year-old na driver na si Deng Yi-Ting, ay hindi na naligtas.

Ayon sa pulis, si Deng ay ipinanganak sa Hong Kong at lumaki sa Taiwan. Lumipat siya sa US matapos ng high school, at sumali sa mga beauty contest sa California. Bumalik siya sa Taiwan noong 2011 at gumawa ng real estate na negosyo.

Bagama't ilang buwan na silang magkasama ng kanyang boyfriend, ay hindi ito pumayag na umako ng responsibilidad nang malaman ni Deng na siya ay buntis.

Dahil siya ay iniwan ng kanyang mga magulang noong diya ay bata pa lang, nagbitaw ng salita si Deng sa Facebook na palalakihin niya ang kanyang anak nang mag-isa.

Mas dumagdag pa sa kalungkutan ni Deng ang pagkamatay ng kanyang alagang pusa, na sampung taon na niyang kasama.

Naglabas siya ng sama ng loob sa Facebook, at sinabing hindi na nagpakita ang kanyang boyfriend mula nang malaman nito ang kanyang pagkabuntis -- at dahil hindi niya kakayaning maging single parent, abortion na lang ang pipiliin niya.

Noong Miyerkules ng madaling araw, sa bahay ng kaibigan ni Deng, tinawagan ni Deng ang kanyang boyfriend para puntahan siya at pag-uasapan ang abortion. Umayaw ang kanyang boyfriend, sabay sabing masyado pa siyang lasing kaya hindi siya makapunta.

Pinuntahan ni Deng ang kanyang boyfriend, pero dito na nangyari ang aksidenteng kanyang ikinamataya. Dumating sa eksena ng crash ang boyfriend ng biktima, pero hindi ito lumapit para makita ang kanyang nasawing girlfriend. Sinabi niya sa pulis na hinihintay niya si Deng sa kanilang bahay, at hindi niya inasahang mangyari ang ganito.

Ang kapatid na lalaki naman ni Deng at sini