Pinoy pole dancing pro: ang pole dancing ay hindi lang para sa mga babae!

2015-05-12 11

Pinoy pole dancing pro: ang pole dancing ay hindi lang para sa mga babae!

Magpakita tayo ng respeto para sa pole dancing!

Si Dana ay dating full-time na yoga instructor, pero siya ay na-addict sa pole dancing matapos niya itong subukan.

Matapos magtrabaho, ay nagpa-practice ito, at naglagay pa siya ng poste sa gitna ng kanyang bahay para siya ay makapag-training.

Dahil ang pole dancing ay isang napaka-demanding na exercise at kinakailangan ng malalakas na katawan, si Dana ay nagpalaki ng kanyang mga muscles at naging mas malakas sa kanyang pagsayaw.

Pero ang pole dancing ay hindi lamang para sa mga babae.

Si johnny, 22 years old, ay nagtuturo ng pole dancing sa Pilipinas.

Ang kanyang boss ang nagpakilala sa kanya sa mundong ito.

Noon, akala niya ay mga babae at gay men lang ang pwedeng mag-pole dancing, pero nadiskubre niya na kahit mga straight men ay pwedeng maging magaling na pole dancers.

Si Johnny ang runner-up sa pole dancing contest na isinagawa sa Hong Kong noong isang buwan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH