Boyfriend, napagod sa kaka-shopping ng girlfriend, nagpakamatay sa loob ng mall!

2015-05-12 1

Boyfriend, napagod sa kaka-shopping ng girlfriend, nagpakamatay sa loob ng mall!

Sa aming pagkaaalam, walang kasabihan ang mga Chinese na, "kapag ginastos ng iyong girlfriend ang iyong pera sa isang mall, magpakamatay ka." Kaya nagulat kami nang mabalitaan naming nagpakamatay ang isang lalaki sa China, habang sila ay nagsho-shopping ng kanyang girlfriend!

Ayon sa mga eyewitness, ang 38-year-old na lalaki ay narinig nilang nagsabi sa kanyang girlfriend na hindi na hiya kayang magbitbit ng mas marami pang bags, pero gusto pa rin daw mamili ng sapatos ng babae.

Sinagot siya ng lalaki na marami nang sapatos ang babae, at hindi na nila kailangan pang mamili.

Nagwala ang girlfriend, at sinagawan siya sa gitna ng mall -- kuripot daw ang lalaki at sinisira ang Christmas para sa kanya.

Natapos lang ang kanilang away nang itapon ng lalaki ang lahat ng bags na kanyang bitbit sa sahig, at tumalon pababa.

Tumama sa mga Christmas decorations ang lalaki, bago ito tumama sa sahig -- mula sa taas na seventh floor.

Iniimbestigahan ng pulis ang insidente, at hinahanap ang girlfriend. Sana ay hiniwalayan na lang siya ng lalaki imbes na magakamatay! Ganun nga kaya ka-grabe ang ugali ng babae?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange