Alamin ang buhay-pole dancer sa Taiwan!

2015-05-12 7

Alamin ang buhay-pole dancer sa Taiwan!

Ganito ang buhay ng mga pole dancers sa Taiwan.

Ang pagsayaw at pagtanggal ng damit sa mga festivals, o sa mga libing, ay isang espesyal na tradisyon sa mga probinsiya sa Taiwan. Minsan ay mapapanood ang mga pole dancers na naka-miniskirt at ipinapakita ang kanilang mga bra sa mga manonood.

Ang pole dancing ay usong-uso ngayon sa Taiwan, at ito ay nakaakit ng isang antropologo mula sa ibang bansa na magpunta sa Taiwan at i-feature ang mga Taiwanese pole dancers sa isang dokumentaryo.

Ang buhay ng pole dancing queens na sina DuDu at Fung Ting ay na naitampok rin sa ibang mga dokumentarya sa Taiwan.

Ayon kay Fung Ting, na 31 years old, ang pagiging masigasig ay importante sa kanilang trabaho, maging ang pagkakaiba ng pag-uugali. Aniya, hindi mo kailangang i-challenge ang opinyon ng ibang tao; kailangan mo lang mag-focus sa iyong manonood, at gawin ang lahat para sila ay mapaibig sa iyong performance.

Ayon naman kay DuDu, 35 years old, mahirap na ngayong maghanap ng pagalawang career, matapos maging isang pole dancer. Kaya ang kanyang ginagawa ay nakikipag-inom siya sa gabi, sa mga lalaki sa night club para kumita ng pera -- dahil bihira na siyang i-book para sumayaw.

Mga pole dancers na minsan ay kumita ng malaki sa pagsayaw, ngayon ay napipilitang mag-perform sa mga mura at lumang truck. Sila ay maikukumpara sa mga showgirls, na sinusundan ng kanilang mga fans kahit saan sila magpunta. At kahit mukhang madaling kumita sa pagsayaw, ito ay hindi nakaksiguro ng kanilang kinabukasan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH