Japanese na lalaki, nagnakaw ng 187,000USD para sa 120 na alagang pusa!
Ito si Mamoru Demizu, isang cat lover. Dahil siya ay walang trabaho, marami siyang oras, pero wala siyang pera. Siya ay may alagang isang daan at dalawampung pusa! Nang malapit nang maubos ang kanyang pera, nagnakaw ito para buhayin ang kanyang mga pusa.
Bawat buwan ay humihiram siya ng 30,000 Yen o 300USD, para umupa ng isang warehouse, kung saan siya ay nag-aalaga ng lampas sa dalawampung pusa, na itinatawag niyang "house kitties."
Pinapakain rin niya ang may isang daan na pusang pagala-gala sa lugar na iyon, na itinatawag niyang "outside kitties." Dahil sa malaking gastos ng mga pusa, ay naging magnanakaw si Demizu.
Sakay ang kanyang scooter, paikot-ikot siya para maghanap ng mga apartment na hindi naka-lock ang bintana. Magnanakaw ito ng pera, alahas, at iba pang bagay na maari niyang pagkakitaan, para sita ay makabili ng pagkain para sa kanyang mga alagang pusa.
Umamin sa lahat ng pagnanakaw na kanyang nagawa ang suspek nang siya ay kinausap ng pulis. Halos wala na siyang mauwian pero sobrang mahal niya ang mga pusa, at hindi niya sila mapabayaan.
Umamin din siya sa pagsakay sa kanyang scooter sa gabi, para mag-iwan ng pagkain sa iba't ibang lugar kung saan alam niyang gumagala ang mga pusa. Nagreklamo ang mga nakatira dito, dahil hindi sila makatulog sa sobrang ingay ng mga pusa.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH