Chinese-Canadian Xuan Liu ng Waterloo, kumita ng 1.4 million USD sa poker!

2015-05-12 13

Chinese-Canadian Xuan Liu ng Waterloo, kumita ng 1.4 million USD sa poker!

Xuan Liu, dating estudyante ng University of Waterloo, nanalo ng 1.4 million USD sa paglaro ng poker!

Ang magandang 28-year-old na Chinese-Canadian na ito ay si Xuan Liu, o劉璇璇, isang graduate ng University of Waterloo -- isang unibersidad na kilala para sa math, engineering, at science departments. Bagamat hindi siya nakilala sa kanyang kaalaman sa siyensiya, si Liu ay sikat dahil siya ay magaling maglaro ng poker!

Si Liu ay nahilig sa mahjong noong siya ay bata pa, at nagsimula siyang maglaro ng poker noong 2003. Pinahinto niya ang kanyang edukasyon para maihasa ang kanyang kasanayan sa poker.

Pagka-graduate niya ng college, ay sumali si Liu sa mga malalaking poker competitions, at ditto nagsimula ang kanyang buhay bilang isang professional poker player. Siya ay nakapagpanalo na ng lampas 1.4 million USD sa mga tournament na mapapanood sa TV at sa internet.

Ang University of Waterloo ay mabilis na naging isang lugar ung saan maraming nahahasang poker players. May mga Waterloo graduates na sumali sa mga high-stake tournaments sa buong mundo, at naging milyonaryo sa paglaro ng poker.

Ayon sa mga experts, ang kagalingan ng mga esrtudyante ng Waterloo sa science and technology ay kanilang nagagamit sa pagsugal. Kaya kapag kayo ay naglaro ng poker at may taga-Waterloo sa table, mag-ingat po!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH