Car chase at police shootout sa Miami, dalawang tao namatay
Dalawang lalake ang nabaril at napatay, at anim na police officers are na-ospital matapos ang iilang krimen na naganap sa isang umaga sa Miami, na nagtapos sa isang car chase at police shootout.
Ang 27-year-old na air conditioning repairman at pinaniniwalaang drug addict na si Adrian Montesano ang nagdesisyong nakawan ang Walgreens Pharmacy na ito, sa Little Havana, bandang alas tres y media ng madaling araw noong Martes.
Si Montesano ay nagpunta diumano sa Walgreens, sakay ang kanyang maliit na pickup truck.
Ayon sa mga saksi, naglabas daw ng baril si Montesano, at tinutukan ang cashier.
Inilabas ng pulis ang imahe na ito, na nakuha mula sa security camera.
Ayon sa isang security guard, sinakyan ni Montesano ang kanyang pickup paalis ng tindahan. Hindi nalalaman kung siya ay nagnakaw ng pera.
Bandang als singko ng umaga, isang police officer ang nakakita sa truck sa isang trailer park, dalawang milya mula sa Walgreens. Nilapitan niya ang truck, at siya ay binaril sa tiyan ni Montesano, na kinuha rin ang baril ng pulis.
Tumakas si Montesano sa patrol car, habang ang nabaril na officer ay nai-radyo ang impormasyon na ito: "Lalaking puti. Pulang damit. Gray na pantalon. Officer down."
Matapos ang kalahating oras, nahanap ng pulis ang patrol car sa bahay ng lola ni Montesano. Ginamit ni Montesano ang kulay blue na Volvo ng kanyang lola, at nagsama ng isang kasabwat.
Isang maliit na army ng pulis ang naghabaol sa dalawa, sa Hialeah.
Dito nag-crash ang Volvo, na bumangga sa gitna ng isang poste ang isang puno.
Nagbarilan ang dalawang panig, kung saan dalawang officers ang nabaril sa kanilang mga braso.
Binaril ng pulis ang Volvo, at namatay ang dalawang kriminal sa eksena.
Ayon sa pulis, sa sobrang lakas ng barilan, iilang officers ang kinailangan dalhin sa ospital dahil sila ay halos nabingi.
Ayon sa business partner at kaibigan ni Montesano na si Manny Quiros, disenteng tao daw si M