Lasing na taxi driver, gustong maging bodyguard ng isang tindahan
Inaresto ng pulis sa Mukomachi, Japan, ang isang lasing na taxi driver noong Sabado, matapos nitong malabag ang Firearm and Sword Possession Control Law ng Japan.
Tinawag raw ng taxi driver na "Bodyguard" ang kanyang sarili -- isang karakter sa pelikulang "Yojimbo" -- habang pinagkakaway ang isang pekeng espada sa loob ng isang convenience store na kailan lang ay nanakawan.
Noong December 23, nanakawan ng 50,000 yen ang naturang tindahan, ng dalawang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli.
Ilang araw ang nakalipas, at nagpakita sa tindahan ang lasing na taxi driver, at sinigawan ang employado na siya na ang Bodygard na magbabantay sa tindahan.
Ipinagyabang pa ng taxi driver na walang makakatalo sa kanya, bukod sa Japanese swordsman na si Miyamoto Musashi.
Sampung minutong nagsisigaw ang taxi driver, bago niya inilabas ang kanyang pekeng espada, na gagamitin raw niya para putulin ang ulo ng mga magnanakaw kung sila'y magpapakitang muli.
Binantayan ng lasing na suspect ang tindahan hanggang sa dumating ang mga pulis, na tinawagan ng employado ng tindahan. Ang suspect ay naaresto sa paglabag sa Firearm and Sword Possssion Control Law sa Japan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH