Lalaking sundalo, nag-ejaculate sa sipilyo ng babaeng tenyente!
Ang toothpaste ay dapat na mabango at lasang mint...at hindi lasang semen!
Kaya niyo bang ma-imagine na imbes na toothpaste ang nasa inyong toothbrush, ay semen ang inyong nalasahan?!
Ito ang nangyari sa isang pangalawang tenyenteng babae sa Taiwan.
Sa isang army camp sa Guandu, Taipei, isang lalaking sundalo na nagngangalang Yang ang nakipag-away sa pangalawang tenyenteng babae. At imbes na ayusin ang kanilang problema sa pamamagitan ng pag-uusap ng maayos, ay naghanap ng pagkakataong mag-ejaculate ang lalake sa toothbrush ng babae.
At dahil tanga itong si Yang, ay ipinagyabang pa niya ang kanyang kagagawan sa ibang mga sundalo. Kinabukasan, ay napansin ng babae ang isang masamang amoy sa kanyang sipilyo.
Ni-report si Yang ng mga sundalo sa military police, at matapos ang interrogation ay umamin din si Yang sa kanyang ginawa.
Sinabi ni Yang na ito raw ay isang biro, at nais daw niyang personal na makipag-ayos sa babaeng tenyente.
Hindi siya pinaniwalaan ng babae, at si Yang ay nakasuhan ng trespassing, at nasentensiya ng isang taong pagkabilanggo.
Ayon sa Army, ang biktima ay bibigyan nila ng counseling, at bibigyan rin nila ng mas maayos na ethical education ang lahat ng mga sundalo.
Ang babaeng tenyente ay hindi pumayag na malipat sa ibang army camp, at nanatili sa kanyang poste sa camp kung saan nangyari ang insidente.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH