Pulis sa Colorado, pinaghahandaan ang mga DUI na resulta ng marijuana!
Legal na ngayon ang panlibang na paggamit ng marijuana sa Colorado, pero hindi pa rin legal ang magmaneho sa ilalim ng impluwensiya.
Ang mga kasong DUI ay kadalasang nag-uumpisa sa traffic stop kapag pinagsususpetyahan ng pulis ang mga driver.
Kapag ikaw ay napahinto ng pulis, magsasagawa ka ng sobriety test, na pwede mong tanggihan nang walang penalty.
Dito magdedesisyon ang pulis kung aarestuhin ka o hindi. Pagkatapos ng isang pag-aresto, isasagawa ang blood test sa eksena o kaya sa ambulansiya o emergency room. Pwedeng tanggihan ang test na ito, pero mas malala pa sa DUI ang penalty.
May legal na blood limit na 5 nanograms ng THC kada millimeter ng dugo sa Colorado. Ang ibig nito sabihin ay maaring bumagsak sa test ang mga regular na gumagamit ng marijuana, kahit na hindi sila humithit sa araw ng pagmamaneho.
Binabalaan ng Colorado State Patrol ang mga tao na huwag magmaneho sa ilalim ng impluwensiya ng droga, dahil magiging strikto sila sa mga mahuhuling nag-DUI.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH