Arkansas football player Markel Owens, namatay habang pinoprotektahan ang pamilya

2015-05-12 3

Arkansas football player Markel Owens, namatay habang pinoprotektahan ang pamilya


Ang Arkansas State football player na si Markel Owens ay namatay noong Huwebes, sa Jackson, Tennessee, habang pinoprotektahan niya ang kanyang mga magulang.

Si Owens at ang kanyang ina ay nasa bahay, Huwebes ng gabi. Pagdating ng stepfather ni Owens na si Johnny Shivers, tinalon siya ng dalawang lalaking naka-maskara.

Pilit na pinasok ng mga lalaki ang bahay ng pamilya ni Owens, at humingi ang mga ito ang cash, bago nagkaroon ng struggle sa pagitan nila at ng mga biktima.

Sa gitna ng kaguluhan, binaril ng mga lalaki si Owens at Shivers. Ayon sa pulis, namatay si Owens habang pinoprotektahan ang kanyang ina.

Parehong namatay sa eksena sina Owens at Shivers. Nabaril din ang ina ni Owens, pero siya ay naligtas ay nai-release na mula sa ospital.

Naniniwala ang pulis na si Shivers ay tinarget ng mga magnanakaw, at nakatagpo ang pulis ng marijuana sa loob ng bahay ng mga biktima. Nakatakas ang mga magnanakaw, na nakakuha ng malaking halaga ng cash.

Si Owens, na 21 years old, ay isang junior defensive lineman ng Arkansas State Red Wolves. Tinulungan niyang mapanalunan ng kanyang team ang kanilang pangatlong Sun Belt Conference title, noong isang taon. Nakikiramay ang team sa pamilya ni Owens.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH