WARNING: GRAPHIC. Pulis, binaril ang isang aso sa isang kids' birthday party!

2015-05-12 4

WARNING: GRAPHIC. Pulis, binaril ang isang aso sa isang kids' birthday party!


Isang police officer sa Idaho ang binaril at pinatay ang isang itim na Labrador, sa birthday party ng isang batang lalaki noong Sabado.

Nangyari ang insidente nang ang may-ari ng aso na si Rick Clubb ay ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanyang 9-year-old na anak.

Nakatanggap dawn g complaint tungkol sa tatlong hindi nakataling aso, bandang 5:30 ng hapon, ang police officer na si Tarek Hassani.

Ayon sa pulis, si Hassani ay sinalubong ng mga agresibong aso, paglabas na paglabas niya mula sa patrol car, at hindi sila tumigil sa pagtahol habang naglakad papalapit sa bahay ni Club bang officer.

Makikita sa dash cam ni Hassani ang mga pangyayari bago niya binaril si Hooch, isang 7-year-old na black Labrador at trained service animal para kay Clubb, na may Parkinson's.

Lumabas si Clubb mula sa bahay nang narinig niya ang ingay, at doon niya nakitang namatay na ang kanyang alagang aso.

Binigyan pa ni Hassani ng ticket si Clubb, dahil hinayaan niyang magtatakbo ang mga aso nang hindi naka-leash. Dito na nagkasagutan ang dalawang lalaki.

Nilalabanan ni Clubb ang ticket; at sinabi niyang namatay ang kanyang aso at hindi tama ang mga nangyari.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange