Mga seksing litrato, " />

Mga seksing litrato, "/>

Mag-ingat sa bagong scam, sa online dating app na "Hangouts!"

2015-05-12 128

Mag-ingat sa bagong scam, sa online dating app na "Hangouts!"


Mga seksing litrato, ginagamit sa isang online dating app scam!

"Gusto mo bang hawakan ang aking katawan?"

Ano ang gagawin niyo kung nakatanggap kayo ng ganitong mensahe, kasama ang isang litrato ng seksing babaeng nakalabas ang boobs? Huwag kayong magpapaloko -- ito ay isang scam sa isang online dating app!

Isnag 30-year-old na computer engineer na galing sa Taipei, Taiwan, ang muntikan nang mabiktima ng scam na ito. Nakatanggap siya ng kakaibang message mula sa online dating app, na tinatawag na "Hangouts." Isang 23-year-old na babae raw ang nagpadala ng litrato, sabay tanong, "Naghahanap ka ba ng kasayahan?" Matapos sagutin ng lalaki ang message, kung saan pinuri niya ang kagandahan ng babae, nakatanggap siya ng isa pang, mas mahalay na imahe at mensahe.

Nakaramdam ng kaba ang lalake, at mabilis na nag-offline.

Sa Taiwan, maraming app users na nata-target sa mga scams na ganito ay nakakatanggap ng messages para ikumpirma ang pagbayad sa mga plane tickets o credit cards matapos silang makatanggap ng malalaswang mensahe at litrato. Kaya sa susunod na may makuha kayong ganito sa inyong inbox, delete delete delete!




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH