Undercover reporters, inimbestigahan ang sex trade sa Dongguan, China!

2015-05-12 15

Undercover reporters, inimbestigahan ang sex trade sa Dongguan, China!


Ayon sa report ng Chinese state broadcaster CCTV, malakas pa rin ang sex trade sa Dongguan, na kilala bilang sex capital ng China.

Makikita sa footage na kinuha ng mga undercover na reporter, ang mga prostitutes na sumasayaw sa isang entertainment venue; mapapanood din ang mga 'beauty contest' kung saan nagpapa-sexy ang mga prostitutes sa mga customer, na namimili ng kanilang makakasama, sa mga babaeng nakalinya.

Ayon sa report na ito, ang sex services sa Dongguan ay ino-offer sa mga massage parlor, mga hotel, sauna, at mga karaoke club; ang sex trade rin ay hindi pinupuna ng mga pulis.

Ilang dekada na ring nakikilala ang manufacturing hub na Dongguan, bilang sin city ng China. Nagkalat ang sex trade doon, kahit na ang prostitution ay ilegal sa China.

Ang mga pulis naman ay sanay na dito, at maaring nakikisawsaw sa mga kinikita ng mga nasa sex trade.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH