Sriracha hot sauce factory, lilipat na sa Texas?
Texas, nagpadala ng "Sriracha Delegation" sa California, para mang-agaw ng mas maraming trabaho!
Mukhang tutoo ang labanan sa pagitan ng Texas at California.
Nangpadala ng bipartisan 'Sriracha Delegation' sa Irwindale ang Texas, para akitin ang hot sauce maker na Huy Fong Foods, papunta sa Lone Star state.
Ilang buwan nang pinaaalis ng mga residente sa Irwindale ang pabrika na gumagawa ng Sriracha, dahil nagkakaroon daw sila ng heartburn, at nagdurugo ang kanilang mga ilong, at nangangati ang kanilang mga mata, dahil sa mga kemikal na amoy na nagmumula sa pabrika.
At least tatlong Texas state reps, kasama ang mga reps mula sa opisina ni Governor Rick Perry at Attorney General Greg Abbott, ang nakipagkita sa chief executive ng Huy Fong Foods na si David Tran, at pinasyal nila ang pabrika.
Pinag-iisipan pa ni Tran ang paglipat ng pabrika sa Texas, pero hindi naming maiwasang maisip na itong si Rick Perry ay inuuna ang ekonomoya ng Texas, imbes na alalahanin ang kalusugan ng mga residente. Baka pwedeng magpahatid ang Huy Fong sa Toyota?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH