Canadian teenagers, nakipag-selfie sa baby polar bear, nakagat ng momma bear!

2015-05-12 6

Canadian teenagers, nakipag-selfie sa baby polar bear, nakagat ng momma bear!


Polar Bear Selfie: not a good idea!

Halika, talunin natin ang bakod na ito at kumuha ng selfie kasama ang mga polar bears!

Dear Tomo viewers, sa tingin niyo ba ay kailangan natin ng bagong kategorya, na pwede nating tawaging, "Stupid Selfies?" Parami ng parami kasi ang mga nakakalokang selfies ngayon!

Dalawang Canadian high schoolers ang panalo sa Dumb Selfie of the Week, matapos nilang talunin ang harang, at kumuha ng mga selfies kasama ang isang polar bear cub.

Hindi sila nakuntento sa simpleng selfie kasama si Humphrey, kaya pinasok nila ang kanilang mga kamay sa bakal na bakod, at hinawakan ang bear -- na kanilang vinideo at pinost sa Internet.

Ngayon, itong si Sam Gonzalez at Georgianna Nagy, na parehong 16, ay maaring hindi napag-aralan sa biology class, kung paanong mangagat ang mommy ng baby polar bear. Kung hindi, ay malalaman nila na ang kanilang mga braso ay maliit lang na meryenda para dito!

Nasubukan na rin kasi ang mga polar bear selfies -- isang beses, isang Australian na babae ang nagsagawa nito sa Alaska, at siya ay nakagat. Ginawa rin ito ng isang babae sa Germany, noong 2009 at siya rin ay nakagat.

Inilagay ng Toronto Zoo ang mga polar bears sa kabilang panig ng dalawang bakod, para sa kaligtasan ng mga bisita -- at may mga signs din na nagsasabing huwag tawirin o talunin ang mga harang na ito. Ayon kay Gonzalez, hindi daw niya nakita ng sign. Talaga? Kailangan mo ba talaga ng sign para malaman na masamang ideya ang tumalon papasok sa isang polar bear enclosure?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH