Petco at PetSmart, hindi na magbebenta ng mga animal treats na gawa sa China!
Mukhang nagkampihan ang magkaribal na Petco at PetSmart para protektahan ang kalusugan ng mga aso't pusa sa US: in-announce nila na ititigil na nila ang pagbenta ng mga dog and cat treats na gawa sa China.
Mula pa noong 2007, ay nakatanggap na ang FDA ng mahigit apat na libo at walong daang reklamo, tungkol sa mga nagkakasakit na aso't pusa -- at mahigit isang libong report ng mga asong namatay, matapos kumain ng Chinese-made chicken, duck, o sweet potato jerky treats.
Ang mga kasong ito ay kasama, pati gastrointestinal illness, at kidney failure. Ayon sa pinaka-latest na advisory ng FDA, ang mga asong nagkasakit ay nagpakita ng kawalan ng gana sa pagkain at pagkilos, at sila'y nagsusuka at nagkaroon ng diarrhea.
Balak ng Petco na matanggal na ang lahat ng treats na gawa sa China, bago magtapos ang taon na ito, samantalang ang PetSmart naman ay balak tanggalin ito pagdating ng March 2015. Ano kaya ang gagawin ng China sa mga extra treats?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH