Off-duty police officer sa New York, niligtas ang isang lalake mula sa nasusunog na gas station!

2015-05-12 9

Off-duty police officer sa New York, niligtas ang isang lalake mula sa nasusunog na gas station!

Si John Vescio, isang senior investigator mula sa Troopy NYC, ay nilalagyan ng gasolina ang kanyang unmarked police car, alas onse ng umaga sa Hutchinson River Parkway, nang isang Toyota na nawalan ng kontrol ang bumangga sa gas pump, na nagsimulang mag-apoy. Nahulog ang pump sa ibabaw ni Vescio, na tumakbo at nakalayo sa sunog.

Ilang segundo lamang ang nakalipas, at bumalik si Vescio sa nag-crash na saskayan, at kinaladkad ang isang na-trap na driver palabas sa kotse. Ang 69-year-old na driver ay nakaranas ng diabetic emergency, at nawalan ng malay. Natagalan si Vescio sa pagligtas sa lalake, dahil na-stuck sa ilalim ng upuan ang kanyang mga legs.

Pagkatapos, ay pinaalis niya ang mga tao mula sa sunog, at nagpatulong sa isang tao na ialis ang lalake mula sa eksena.

Dahil may bala at armas sa kanyang kotse, sinabihan din niya ang mga tao na huwag lumapit sa eksena, habang binalikan niya ang kanyang kotse para tanggalin ang bala at baril.

Nagkaroon ng maliit na pagsabog dahil sa apoy.

Ang sunog ay napatay ng White Plains Fire Department. Si Vescio at apat pang mga customer ang nasaktan sa insidente, habang ang lalaking nagkaroon ng diabetic emergency ay nanatiling nasa stable condition sa ospital.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH