Las Vegas shooters Jerad at Amanda Miller, may mga radikal na pananaw sa buhay!

2015-05-12 21

Las Vegas shooters Jerad at Amanda Miller, may mga radikal na pananaw sa buhay!

"Sa mga tao sa buong mundo, suwerte kayo at hindi ko kayo mapapatay ngayon, pero tandaan niyo na darating ang araw na magkakagulo ang lahat, at ako ay tatayo sa gitna ng lahat, hawak ang shotgun at pistol, at papatayin ko kayong lahat."

Ito ang sinabi ni Amanda Miller, na kasama ang kanyang asawang si Jared, ay pumatay ng dalawag police officers at isang inosenteng lalake noong June 8th, bago sila napaligiran ng pulis sa isang Walmart, at nagpakamatay.

Base sa kanilang mga social media posts at videos, obsessed ang mag-asawa sa ideya ng isnag armed revolution labas sa gobyerno, at sila ay agresibo at bayolente pagdating sa mga awtoridad. Kaya nila naging target ang mga inosenteng pulis, na kanilang pinatay nang walang dahilan. Pagkatapos, ay tinakpan nila ang mga katawan ng Gadsden flag, at isang manifesto na may swastika.

Ang bandila ay galing sa American Revolution, pero mas na-associate kamakailan sa Tea Party at far-rights movement. Huli itong nakita sa kamay ng mga galit na anti-government protesters, sa mga Tea Party rally noong 2009.

Nang sinuportahan ni Jerad ang Nevada rancher na si Cliven Bundy, na nakipag-away sa gobyerno sa issue ng buwis, nailang ang pamilyang Bundy sa kanyang criminal history at extreme views, at pinaalis nila si Jerad sa kanilang ranch.

Ayon sa mga kapitbahay, ang paranoid na mag-asawa ay mahilig magpantasya tungkol sa isang New World Order na magsasagawa ng isang global police state.

Isang lalaking lumipat sa kanilang building kamakailan ang nagsabing iniwasan niya ang mag-asawang Miller, dahil mukha silang palaging lulong sa methamphetamine.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange