Washington Redskins, natanggalan ng trademark dahil racist ang pangalan ng team!

2015-05-12 8

Dapat bang palitan ng Washington Redskins ang kanilang pangalan?

Racist ba ang pangalan ng NFL team na Washington Redskins? Depende kung sino ang iyong kausap.

Karamihan ng mga taga-Amerika ay nagsabing hindi dapat palitan ang pangalan ng team.

Pati mga Native Americans ay nahati ang opinyon.

Pero ang hindi natin pwedeng i-debate ay ang katotohanan na ang team ay nabigyan ng pangalan, para sa mga racist na dahilan, ng pinaka-racist na may-ari sa kasaysayan ng NFL.

Si George Marshall ay naging majority owner ng team noong 1933.

Pinalitan niya ang pangalan sa 'Redskins,' at pinasuot niya ang coach ng war paint at feathers, dahil ito raw ay nakakatawa.

Noong 1933 din, ay nagsagawa ng ban laban sa African-American na players sa NFL si Marshall.

Bilang pagrispondi sa Civil Rights Movement, ipinatugtog ni Marshall ang Redskins marching band ng "Dixie" bago magsimula ang mga laro.

Siya ang huling may-ari ng team na nagsagawa ng integration, noong 1961 -- at napilitan lang siyang gawin ito, para makakuha ng lupa mula sa gobyerno, para mapatayo ang RFK stadium.

Noong namatay si Marshall, inutos niya na ang kanyang Redskins foundation ay hindi dapat na magbibigay ng kahit piso sa pagsuporta sa prinsipyo ng racial integration.

Ngayong alam niyo na ang lahat ng ito -- dapat bang mapalitan ang pangalang ng Washington Redskins? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH