Dating Tinder executive, dinedemanda ang Tinder para sa harassment at abuse!
Ang dating marketing vice president na si Whitney Wolfe ay dinedemanda ang online dating app na Tinder, para sa harassment at discrimination ng chief marketing officer na si Justin Mateen.
Nagsimulang mag-date si Wolfe at Mateen noong 2012...kahit na sinabi ni Wolfe na tinawag siyang 'whore, ' o pokpok ni Mateen, sa harap ni CEO Sean Rad sa isang company party.
Noong 2013, si Wolfe ay natanggalan ng kanyang co-founder title, dahil ayon kay Mateen at Rad, ang pagkakaroon nila ng 24-year-old na babaeng co-founder ay makakasira sa reputasyon ng kompanya.
Ayon kay Wolfe, hindi pinansin ni Rad ang kanyang mga reklamo tungkol sa sexual harassment at discrimination, at hind nagtagal ay pinaalis na siya mula sa kompanya.
Matapos ma-file ang kanyang lawsuit, si Mateen ay agad na na-suspend sa trabaho, habang nagsasagawa ang kompanya ng isang internal investigation.
Ayon sa isang spokesperson para sa IAC, si Mateen ay nagpadala ng maraming nakakabastos na private messages kay Wolfe, at lahat ng ito ay mae-examine sa imbestigasyon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH