VIDEO: Paying it forward! Babae, bumili ng lampin para sa isang nangangailangang ina!
Random acts of kindness, sa isang supermarket sa South Dakota!
Ang Walmart na ito, sa Sioux Falls, ang eksena ng isang random act of kindness na naging viral.
Si Katie Kanefke, na may 4-month-old na baby boy, ay namimili ng monthly supply ng lampin, na alam nating lahat ay isang malaking gastos. Sinubukan niyang mag-price-match, pero pwede lang daw itong gawin sa unang kahon.
Dahil mahigpit ang kanyang budget, aalis na sana si Katie, nang nagdesisyon si Carol Flynn na tumulong sa kanya.
Nasa likod ng dalawang babae si Jason Yoshino, na napansin ang nangyayari at nakunan ng video ang good deed na ito.
Si Flynn, na dating state head ng The March of Dimes, ay naniniwala sa konseptong "pay it forward." Nang nakita niyang nangangailangan si Kanefke, hindi siya nagdalawang-isip na tumulong, sa isnag kondisyon: na kapag dumating ang pagkakataon, ay kailangang tumulong din si Katie sa ibang tao.
Ayon kay Katie, hindi niya napigilang umiyak nang umiyak dahil hindi siya makapaniwala sa kabaitan ni Flynn.
Si Jason, na anim na taong cancer survivor, ay sinabing palagi nating nababalitaan ang ganitong pangyayari, pero never natin itong nakikita. Pinost niya ang video sa Facebook, at mabilis itong kumalat. Ikalat at i-share po natin ang video na ito, para mas maraming tao ang ma-inspire na gumawa ng kabutihan sa mundo.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH