Pinakamatandang conjoined twins sa mundo, magiging 63 years old sa October!
Pinakamatandang conjoined twins, magse-set ng bagong record sa kanilang 63rd birthday!
Ito ang 62-year-old na magkapatid na kambal na sina Donnie at Ronnie Galyon, na nakahandang i-celebrate ang isang napakalaking milestone sa kanilang 63rd birthday sa October!
Ang Galyon brothers ay ang pinakamatandang nabubuhay na conjoined twins sa buong mundo...nalampasan na nila sina Chang at Eng Bunker ng Thailand, na namatay sa edad na 62 noong 1874, at malapit na nilang matalo ang record ng Italian twins na sina Giacomo at Giovanni Battista Tocci.
Mahigit dalawang dekada nang inoobserbahan ni Doctor Glenn Kwait ang kambal, at siya rin ay nagulat sa kanilang chemistry...na ginagamit nila sa pagtali ng sapatos. Isa sa kanila ang gagamit ng kanang kamay, at isa naman sa kaliwa, para itali ang tali ng isang sapatos.
Kapag naglalakad sila ay kailangang mag-take turns ng kambal na maglakad paatras. Sa loob ng anim na dekada, si Donnie at Ronnie ay natuto ng pisikal na kooperasyon at kompromiso para magawa ang kanilang araw-araw na gawain.
Sila ay ipinanganak sa Dayton, Ohio noong October 28, 1951. Sila ay magkakabit mula sternum hanggang groin ang ipinahati nila ang isang single set ng male organs. Nang sinabihan ang kanilang mga magulang na maaring mamatay ang isa sa kambal kapag sila ay inoperahan at ipinaghiwalay, nagdesisyon sila na huwag itong gawin sa magkapatid.
Apat na taong gulang pa lang ay mag rock-star-lifestyle na ang kambal, na nag-perform sa mga carnival sideshows sa US, at sa mga circus sa Central at South America. Dahil dito ay nagawa nilang suportahan ang kanilang pamilya, na may labing-isang miyembro. Nag-retire sila sa edad na 39 noong 1991.
Hindi nila maiwasang pag-awayan ang mga maliliit na bagay minsan, gaya ng pagpili ng palabas sa TV. Sila rin ay may mga hobbies, gaya ng panonood ng live sports, gaya ng football at baseball.
Noong 2010, lumipat sila sa bahay ng nakababat