Japanese girl group AKB48, napipilitang magpa-sexy para kumita ng pera?
Japanese girl band, AKB48, tinawag na 'sweatshop.'
Ang Japanese girl band na AKB48 ay inaakusahan ng pagiging isang 'sweatshop.' Ito kaya ang dahilan kung bakit ang mga batang band members ay kailangang mag-modelo at magpakita ng kanilang kaseksihan?
Ang AKB48 ay ang pinakamalakas na kumitang Japanese girl band itong nakaraang taon. Ang kanilang concerts ay kadalasang sold-out, at ang kanilang mga CDs at DVDs ay kumita ng mahigit 124 million USD. Huwag na nating bilangin ang kanilang mga endorsements at TV appearances.
Gayunpaman, ay maliit ang kinikita ng miyembro ng banda. Ayon sa isang Japanese na tabloid, ang members ng AKB48 ay binibigyan ng sahod kada buwan, at hindi sila kumikita ng royalties mula sa kanilang mga CDs at DVDs.
Saan napupunta ang pera? Sa kanilang mga talent agencies at producer na si Yasushi Akimoto, na kumikita ng 30 percent mula sa lahat ng royalties, pati na rin sa 47 million USD na mula sa mga endorsements at TV guestings.
Ang sahod ng bawat miyembro kada buwan ay binabase sa kanilang pagkasikat. Ang pinakakilala sa AKB48, na si Yuko Oshima, Minami Takahashi, Yuki Kashiwagi, at Mayu Watanabe ay kumikita ng 9,600 USD, samantalang ang ibang miyembro ay kumikita ng 1600 hanggang 2600 USD kada buwan.
Binabayaran naman ng kanilang kumpanya ang kanilang paggastos sa tirahan, training, at kasuotan.
Ang ganitong mababang sahod ang posibleng dahilan kung bakit iilan sa mga miyembro ng AKB48 ang naglabas ng sexy photo albums -- at kung bakit paalis na sa banda ang pinakasikat nilang miyembro na si Yuko Oshima. Mas malaki kasi ang kanyang
kikitain kapag siya ay naging isang solo artist.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH