VIDEO: High-speed chase sa San Diego, nauwi sa police shootout
Ang driver ng pulang kotse na ito ay binaril ng pulis matapos ang isang oras na paghahabol sa San Diego, California, noong January 9.
Alas otso y medya ng umaga nang namataan ng pulis ang driver ng pulang 2002 Saturn na ginagamit ang kanyang cellphone habang nagmamaneho.
Imbes na sundin ang pulis at tumigil, ay napabilis ang takbo ng lalaki.
Itinawag ng pulis ang sitwasyon, at doon niya nalaman na ang kotseng ito ay maaring nasangkot sa isang shooting, ilang araw lamang ang nakalipas.
Habang nagpapahabol sa pulis, ay huminto ang driver para palabasin ang isang baabeng pasahero.
Pagkatapos ay patuloy siyang nagpahabal sa pulis sa isang residential area. Nilampasan niya ang isang red light, at tumama sa mga spike strips.
Ang video, na kinunan ng San Diego City News Service, ay pinapakita na ang kotse ay huminto malapit sa 41st at Hilltop Drive, at sinundan ng isang squad car. Dahil naniniwala ang pulis na may armas ang driver, ay pinaputukan nila ng dalawang dosenang beses ang pinto at bintana ng kotse.
Natagpuan nila ang armas at droga sa loob ng kotse. Ang driver ay dinala sa ospital, pero sa ngayon hindi pa nalalaman ang kanyang kondisyon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH