VIDEO: Pulis sa Florida, binaril at pinatay ang isang inosenteng aso!

2015-04-27 2

VIDEO: Pulis sa Florida, binaril at pinatay ang isang inosenteng aso!

Ang 21-year-old na si Kenneth McNeil, ng St. Peterburg, Florida, ay naaresto noong Huwebes, sa kasong trespassing at resisting arrest with violence.

Ang arresting officer na si Steven L. Laurenzi, ay binaril ang German shepherd ni McNeil, na si Tazzy.

Ayon sa pulis, si McNeil ay lumaban nang siya ay inaaresto ng pulis. Pinakawalan daw ni McNeil ang kanyang aso, na inatake ang mga officers, kaya napilitan si Laurenzi na barilin ito.

Pero hindi lang sina McNeil, Tazzy, at ang mga pulis officers ang nasa Williams Park nang gabing iyon.

Andoon din sina Joe Madrid at Carmen Palmer, na pareho silang kilala.

Ayon sa kanila, masyadong agresibo ang mga officers na pag-aresto kay McNeil, at hindi naman daw sila inatake ng aso.

Kinunan ni Madrid ang video na ito, matapos mabaril ang aso.

Sinabihan siya ng pulis na huwag ipakita ang video kahit kanino, kaya binigay niya ito sa locak news station na WTSP 10.

Ayon kay Madrid at Palmer, sinilawan nila si McNeil sa mata, at nagbitaw ng masasakit na salita.

Tinalon ng isang officer si McNeil, na hawak ang leash ni Tazzy. Nagulat si McNeil, napatayo si Tazzy, at apat na beses na nagpaputok si Laurenzi.

Ayon kay Palmer, kukunin niya sana ang aso, pero hindi binigyan ng pulis ng pagkakataon si McNeil na ibigay sa ibang tao ang aso.

Higit pa dito, ay sa dami ng pinatay ng pulis sa St. Petersburg noong 2012, ay binigyan sila ng mandatory training para maiwasan ito at para hindi na magreklamo ang publiko.

Hindi namin alam kung ano ang itunuro sa training na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH