Babae sa UK, nalasing, nagalit at kinain ang parte ng isang kotse!

2015-04-27 30

Babae sa UK, nalasing, nagalit at kinain ang parte ng isang kotse!

Isang Welsh na babae ang nagdagdag ng iron sa kanyang diyeta kahapon, nang siya ay pinagkakagat ang Fiat ng isang babae, habang siya ay lasing.

Si Rhian Jeremiah ay lumabas mula sa isang bar sa Wales, matapos ang isang memorial para sa kanyang namatay na boyfriend. Tatlong babaeng nakasakay sa isang Fiat 500 ang naghihintay para sa kanilang order sa isang kainan.

Para sa dahilang walang nakakaalam, nagalit itong si Jeremiah, at pinaghihila ang pintuan ng kotse.

Nang hindi niya mabuksan ang pinto ng kotse, nag-ala-Trapjaw mula sa He-Man itong si Jeremiah, at kinagat ang kotse! Ang kanyang ginawa ang nagresulta sa sira na nasa halagang 400USD.

Tila sinusundan ni Jeremiah ang yapak ng kanyang boyfriend, na namatay sa lugar na iyon, isang taon nang nakalipas...

Pero wala naman kaming mahanap na record na ang kanyang boyfriend ay nakipag-away sa isang kotse.

Anyway, binigyan si Jeremiah ng local magistrate ng community service, at inutusan siyang mag-attend ng dalawampung AA sessions.

Si Hannibal Lecter lang yata ang matutuwa sa kanyang ginawa...


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH