PHOTOS: No Pants Subway Ride Day sa Hong Kong!
Apatnapung subway riders, kung saan may anim na babae, ang gumulat sa mga regular na nagko-commute sa Hong Kong subway, nang sila ay sumakay mula sa Central, North Point, at Kwun Tong, at pabalik sa Central -- nang walang suot na pantalon!
Ito ay nangyari noong January 12. Nang tanungin ang isang pantsless rider kung bakit niya ito ginawa, wala siyang maisagot! Buti na lang at may ibang nakasagot, na ito ay para daw ipakita sa mga taga-Hong Kong, kung paano mag-enjoy at magsaya.
Ang No Pants Subway Ride, ay isang event na ginaganap bawat taon sa New York; ito ang pangalawang pagsali ng Hong Kong sa nakakatawang pangyayaring ito.
Noong 2002, nagsimula ang event sa pitong lalaki sa New York. Ngayon, ay mas higit na maraming followers ang event na ito sa iba't ibang sulok ng mundo.
Ito ay ang ikalawang taon pa lang ng pagsali ng Hong Kong, pero marami-rami na ang mga nakisaya kumpara sa nakaraang taon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH