Super Junior, dumalo sa libing ng pamilya ni Leeteuk

2015-04-27 40

Super Junior, dumalo sa libing ng pamilya ni Leeteuk

Super Junior, nag-attend ng isang family funeral

Ang libing ng ama at lolo't lola ng miyembro ng K-opo group na Super Junior na si Lee, ay isinagawa sa Korea University Guro Hospital sa Seoul, noong January 8 -- dalawang araw matapos silang mamatay.

Ayon sa mga report, ang ama ni Lee, na 57 years old, ay depressed at inaalagaan ang kanyang may sakit na mga magulang. Pinagsususpetyahan na ang ama ni Lee ay humiram ng malaking halagang pera, na hindi niya mabayaran, kaya nagpakamatay diumano ang ama ni Lee, sabay pinatay ang kanyang mga magulang.

Ang katawan ng 84-year-old na lolo at 79-year-old na lola ay natagpuan sa isang bahay sa Sindaebang-dong, sa Dongjak-gu district, umaga ng Kanuary 6. Ang ama ni Lee, na namatay rin, ay natagpuang nagbigti sa kanyang kuwarto.

Lahat ng miyembro ng Super Junior, bukod kay Ye Sung na kasalukuyang nasa military service, ay sinamahan si Lee sa libing.

Si Lee, na nasa military service din, ay nakitang umiiyak kasama ang kanyang kapatid, ang aktres na si Park In Young, sa libing.

Matapos ang libing, si Lee ay nakasama ang kanyang mga pamilya, bago siya bumalik sa army noong January 11.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH