Isang Italiano, kinain ang baga ng lalaking tumalo sa kanya sa chess!

2015-04-14 3

Isang Italiano, kinain ang baga ng lalaking tumalo sa kanya sa chess!


Hindi na natin kailangan si Jack the Ripper para bigyan tayo ng mga bangungot...panoorin na lang ang video na ito.

Ang "Chess," o "ahedres," ay laro ng mga hari. Pero walang ipinakitang pagkamaharlika sa isang laro sa Dublin noong Lunes. Si Tom O'Gorman ay naglalaro ng chess kasama ang kanyang roommate na si Saverio Bellante.

Napikon si Bellante nang nalaman niyang malapit na siyang matalo, at na-KO niya si Gorman gamit ang isang dumbbell.

Imbes na tumakas, ay sinaksak pa ni Bellante si O'Gorman sa ulo at dibdib, bago niya hiniwa ang katawan nito.

Ang susunod niyang ginawa ang pinakanakakatakot sa lahat -- kinain niya ang kaliwang baga ng biktima!

Pagkatapos, ay sumurrender sa pulis si Bellante. Inamin pa niya na sinubukan niyang tanggalin ang puso ni O'Gorman.

Ayon sa pulis, ang murder na ito ang isa sa pinaka-nakakatakot at bayolente sa kasaysayan ng Irlanda.

Si Bellante ay bibigyan ng psychiatric evaluation bago siya muling haharap sa korte itong darating na Biyernes.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH