VIDEO: Police shooting sa loob ng isang bahay sa Coeur d'Alene, Idaho
Isang police body-cam video ang nagpapakita ng pagpatay ng pulis sa isang 38-year-old na lalaking may hawak na kutsilyo sa Coeur d'Alene, Idaho. Ang insidente ay itinatawag na, "suicide sa pamamagitan ng pulis."
Kalahating oras bago ito mangyari noong August 25 noong isang taon, si Eric Johnston at nai-crash ang kanyang pickup, at nasira ang isang poste. Hindi nalalaman kung ang crash ay sadya, or aksidente.
Naglakad si Eric papunta sa bahay ng kanyang kaibigan na si Wendy Wood, sa Young Avenue, isang block mula sa crash.
Ini-report ni Wendy ang disturbance sa pulis, at sinabing si Eric ay may dalang kutsilyo. Pinaniniwalaang nasaktan si Wendy, na sinabi rin na nag-aalala siyang baka magpakamatay si Eric.
Pinahintay ng police officer si Wendy sa labas ng bahay, bago ito pumasok sa loob, kung saan sinubukan niyang kausapin ng maayos si Eric.
Mabilis na napalala ang sitwasyon.
Nagpakita si Eric sa pulis nang may hawak na kutsilyo, at hindi nito pinakinggan ang paulit-ulit na pag-utos ng pulis...
Hanggang sa napilitan na ang pulis na gamitin ang kanyang baril.
Limang beses na nagpaputok ang pulis, at namatay agad si Eric.
Nang nalaman ni Wendy ang nangyari, ay nawalan ito ng kontrol, at siya ay nahandcuff ng pulis.
Ayon sa Bonner County prosecutor, ang pagbaril ni officer Spencer Mortensen ay nasa tama, at siya ay hindi nakasuhan ng kahit na anong krimen.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH