VIDEO: Pulis sa Michigan, binaril ang isang teenager na may hawak na pekeng baril!

2015-04-14 8

VIDEO: Pulis sa Michigan, binaril ang isang teenager na may hawak na pekeng baril!


Sa video na ito, makikitang binaril ng Battle Creek Michigan police ang 14-year-old na si Nicholas King. Pannoring mabuti. Si King ay nasa kanan, at sandali lang na nagpakita sa video.

Si King ay naglalaro ng taguan kasama ang tatlong babae noong Sabado, November 16. May dala rin siyang pekeng baril.

Nakakuha ng tawag ang pulis na may isang lalaking nakitang may hawak nab aril...at nagtatakbo sa may halaman, malapit sa isang tindahan sa 240 South Washington Street.

Ang sumunod na pangyayari ay nakunan sa dash cam ng rumispondeng squad car.

Ayon sa pulis, si King ay humugot ng isang malaking baril mula sa kanyang waistband.

Ayon sa isa sa mga kaibigan ni King, si King ay nagtaas ng kamay nang siya ay inutusan ng pulis, at hindi niya hawak ang baril.

Ang dalawampung taong beteranong police officer na bumaril kay King ay napawalang-sala sa insidenteng ito, noong isang buwan. Si King, na seryosing nasaktan, ay nasugod sa ospital, at naligtas rin.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH