Babae, sinampal ng 300 beses ang isang lalaking muntik na siyang i-rape!
Isang Chinese na babae, niloko ang kanyang sex attacker, at sinampal ang lalaki ang tatlong daang beses!
Mukha bang may magandang mangyayari sa pagitan ng dalawang ito?
Si Mr. Zhang at si Ms. Gao ay nag-dinner sa isang restaurant. Pagkatapos, ay niyaya ni Zhang na tumuloy sila sa isang hotel, dahil gabi na. Pumayag si Gao, sa kondisyon na matulog sila sa magkahiwalay na kuwarto, at pumayag naman si Zhang.
Pero pagdating nila sa hotel, iisang kuwarto lang ang binayaran ni Zhang, habang nangako na hindi niya gagalawin si Gao.
Pero pagkapasok na pagkapasok nila sa kuwarto ay hinipuan agad ni Zhang ang puwit ni Gao! Agad na umalis si Gao.
Hinabol siya ni Zhang, na nangakong hindi na niya ito uulitin. Pumaya si Gao na bumalik sa hotel.
Pero hindi pa rin nakapagpigil si Zhang, na kinagalit ni Gao. Nag-isip si Gao, at sinabi niya kay Zhang na kung gusto talaga siya ng lalaki, ay hahayaan siya nitong sampalin siya ni Gao sa mukha.
At pinagsasampal na nga ni Gao si Zhang! Tatlong daang beses siyang sinampal -- at muhang nag-enjoy naman itong si Zhang.
Pagpunta ni Zhang sa banyo, ni-report siya ni Gao sa pulis at nagtangkang tumakas. Pero nahuli siya ni Zhang, at tinaggal nito ang pantalon ni Gao.
Buti na lang at dumating ang pulis, at naaresto si Zhang! Sana ay hindi na pumayag sumama sa hotel si Gao...o sana ay sinampal niya si Zhang hanggang sa mawalan ito ng malay!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH