LA pulis, pinilit na makipag-sex ang naarestong babae; nademanda ng 500,000USD

2015-04-14 11

LA pulis, pinilit na makipag-sex ang naarestong babae; nademanda ng 500,000USD


Ang pulis...
Ay taga-protekta ng mga mamamayan...
Inuuna an gating kaligtasan kaysa sa kanilang sarili...

Pero minsan...
Ay hindi nila ito nagagawa.

Ang Los Angeles, na City of Angels, ay may pinoproblemang dalawang mala-demonyong police officers.

Ang presyo? Kalahating milyong dolyares!

Noong 2012, ang LA narcotics detectives na sina James Nichols at Luis Valenzuela ay binigyan diumano ng leniency ang isang babae, kapalit ng sex.

Dahil hindi sila nakuntento sa iisang beses, ay bumalik ang dalawa sa babae para paulit-ulit na makipag-sex!

Isa pang babaeng naaresto ng pulis ang nagsabing pinilit siya ng pulis na pumasok sa kanilang kotse, at magsagawa ng "intimate act" sa isa sa mga officers.

Dinemande ng unang babae ang pulis, at noong Miyerkules, ay pumayat ang LA city council na bigyan siya ng 575,000 USD para mabasura ang kaso.

Haharap sa hearing ang dalawang pulis, pero ayon sa LA PD chief, gusto niyang mawalan sila ng trabaho. Ito din ay susundan ng criminal charges laban sa kanila. Na dapat lang naman talaga!

Para sa dalawang officers: sana'y matagal-tagal kayong mag-enjoy...sa bilangguan!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH