Pulis sa Arizona, ginamit ang Whisper app para makipag-sex sa isang teenager!

2015-04-14 11

Pulis sa Arizona, ginamit ang Whisper app para makipag-sex sa isang teenager!


Ang dating Scottsdale, Arizona police officer na si Justin LaClere ay nasa ating Bad Cop List, dahil mahilig ito sa jailbait! Ginamit niya ang app na Whisper para kontakin ang isang 17-year-old na babae.

Ang Whisper ay isang app na parang Twitter, kung saan pwede kang makipag-usap sa mga tao sa Snapchat, nang hindi ka nakikilala.

Itong linggo, isang 17-year-old na babae ang nagpost ng: "gusto kong mabuntis, pero teenager pa lang ako."

Ang normal na police officer ay hindi makikialam dito, o kaya ay sasabihan ang teenager na, "bata ka pa, hindi ka dapat magmadali."

Pero itong si Justin ay nakakita ng oportunidad.

Tinanong niya ang edad ng babae...

At nagbigay ng napaka-weird na papuri, para sa isang 17-year-old.

Ilang araw din na nagchat ang dalawa.

Hanggang sa tinanong na ni Justin ang babae kung pwede na nilang papuntahin sa next level ang kanilang relasyon -- at pumayag ito.

Nagpunta si Justin a bahay ng babae at nakipag-sex sa babae habang wala ang mga magulang nito.

Nag-resign siya sa kanyang trabaho bago pa siya naaresto; at siya ay kasalukuyang nakalaya sa bond.

Ayon sa RateMyCop.com, si Justin ay matagal na palang nasa listahan ng Bad Cop, para sa maraming pang ibang insidente. Ikulong na iyan!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH