Tatlong lalaki, naaresto dahil sa sunog sa California; 2,000 katao naapektuhan
Inaresto ng pulis sa Southern California ang tatlong lalaki noong Huwebes, dahil sinimulan nila ang isang sunog, na nagtulak sa libo-libong tao na tumakbo mula sa kanilang mga bahay.
Ang mga suspects na sina Jonathan Carl Jarrell, Steven Robert Aguirre, at Clifford Eugene Henry Jr. ay inumpisahan diumano ang sunog matapos maghagis ng papel sa isang campfire.
Ang sunog, na nagsimula, Huwebes ng umaga, ay nangyari sa gitna ng isang tagtuyot sa buong estado ng California. Nasira ng sunog ang halos dalawang libong acres ng lupa sa Glendora, northeast ng Los Angeles.
Ang sunog, na mabilis na kumalat, ay nakasira ng labimpitong bahay, garahe, at mga gusali, at napilitang mag-evacuate ang dalawang libong tao mula sa kanilang mga tirahan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH