VIDEO: Police officer, binaril ang isang motorista na gustong magpakamatay!
Ang iyong pinapanood ay footage ng police body cam, ilang Segundo lamang matapos barilin ng lampas isang dosenang beses ng University of Akron police officer na si Aaron Burnette ang isang lalaki sa isang traffic stop.
Akron, Ohio, May 16, 2013. Napansin ng labinlimang taong beteranong officer na si Burnette ang maling lisensiya sa isang Pontica Sunfire.
Ang 64-year-old na si James Genda, ay madalas na masangkot sa trouble pagdating sa pulis, at ayon sa kanyang kaibigan, mas nanaising mamatay kaysa sa bumalik sa bilangguan.
Walang armas si Genda, pero naniwala si Officer Burnette na humugot si Genda ng isang 45 calibre handgun.
Ito pala ay isang BB gun lamang.
Suicide by cop -- ito pala ang plano ni Genda, na ayon sa kanyang tita na si Beth Pearson. Sinabihan daw siya ni Genda na kung siya ay maarestong muli, pipilitin niya ang pulis na barilin siya.
Ayon kay Summit County Prosecutor na si Sherri Bevan Walsh, si Burnette ay walang choice kung hindi barilin si Genda, matapos siyang tutukan ni Genda ng BB gun. Si Burnette at hindi nakasuhan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH