VIDEO: Kotse, dumiretso sa Lady Bird Lake; Ryan Whittington, nalunod

2015-04-14 16

VIDEO: Kotse, dumiretso sa Lady Bird Lake; Ryan Whittington, nalunod


Nag-plead ng guilty ang 27-year-old na si Madeline Rackley, sa pagkamatay ng kanyang kaibigan, nang nai-crash niya ang kanyang kotse sa Lady Bird Lake sa Austin, Texas, itong nakaraang taon.

Si Rackley at ang kanyang mga kaibigan na sina Danielle Martinez at Ryan Whittington -- lahat sila ay 25 years old noon -- ay nag-inuman sa Lustre Pearl sa Rainey Street.

Ala una y medya ng madaling araw nang sila ay humataw papunta sa lawa, na nasa ilalim ng I-35 Bridge.

Nakunan ng dash cam sa patrol car ng mga police officers na nalalapit sa eksena, ang mga pangyayari.

Ang mga babae, na nakasakay sa harapan ng Honda Civic, ay nakalabas mula sa mga bintana.

Tumalon sa lawa ang mga police officers, at naligtas sina Rackley at Martinez.

Pero nang nalaman ng pulis na may pangatlong pasahero sa kotse, ay lumubog na sa tubig ang sasakyan. Si Whittington, na nakasakay sa likod, ay nalunod -- nahanap din ang kanyang katawan.

Si Rackley ay nakatanggap ng pinakamagaan na sentensiya, na hiniling ng pamilya ni Whittington. Pero nag-file ng civil suit ang pamilya laban sa Lustre Pearl, para sa kanilang pagkakasangkot sa insidente.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH