Taiwanese Artist, gumawa ng eskultura ng walong hubad na babae
Isang Taiwanese na iskultor ang gumagawa ng hubad at makurbang babae, bilang karibal ng higanteng pato.
Ang Taiwanese artist na si Lin Ying-Yu (林英玉) ay nagkaroon ng exhibit sa Hualien, noong Miyerkules, para ipakita ang kanyang pinakabagong gawa -- ang Tetrapod Goddess (消波女神). Ito ay may kasamang walong eskultura ng mga taong nakatayo sa malalaking tetrapods. Ayon kay Lin, ito ay isang mensahe laban sa utilitaryanismo.
Ang kagandahan daw ng pagkahubad ay kahawig ng kabuluhan ng kalikasan, at ang mga tetrapods ay nagdadala ng kahulugan ng pagpapala at proteksiyon. Ang asul at berdeng tetrapods ay simbolo ng dagat at ilog, at pati na rin ang pagtaguyod ng muling pagkakasundo ng dalawang political parties sa Taiwan: Ang Kuomintang at ang Democratic Progressive Party. Ang pinaka-importanteng konsepto dito ay ang unity, peace at harmony.
Pinintasan din ni Lin ang gawa ng Dutch artist na si Florentijin Hofman -- ang giant rubber duck ay naging popular sa mga Taiwanese, at naglakbay ito sa tatlong magkakaibang siudad sa Taiwan, sa loob ng apat na buwan. Ayon kay Lin, ang rbber duck ay dapat lang na tumigil sa isang siudan sa bawat bansa, pero sumobra na ito sa pagpunta sa tatlong siudad sa Taiwan.
Samantala, ang exhibit ni Lin ay nakakuha ng maraming mataas na papuri mula sa publiko. Ito raw ay puro at tutoo, at hindi kailangang ipaliwanag para maintindihan ang nais niyang iparating na mensahe.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH