Underage na betel nut girl, pinilit na makipag-threesome ng mag-syota sa Taiwan!
Isang 46-year-old na may-ari ng isang betel nut stall, at ang kanyang 38-year-old na girlfriend, ang naakusahan ng seksuwal na pag-asulto sa isang 16-yearold na betel nut girl, noong 2010.
Kahapon, ay nasentensiya ng Taiwan High Court ang magkasintahan nang siyam na taon, at walo't kalahating taon na pagkabilanggo, para sa krimen na rape.
Ayon sa underage na betel nut girl, nagtrabaho siya sa betel nut stall ng suspect noong 2010. Tawag pa raw niya sa girlfriend ng may-ari, ay 'ninang.'
Isang araw, sinusukat daw niya ang isang sexy at may pagka-transparent na damit. Para sa mga hindi nakakaalam, ang mga betel nut girls ay nagsusuot ng mga seksing damit para maakit ang mga customer na bumili ng betel nut mula sa kanila.
Binigyan daw siya ng softdrink ni 'ninang,' at agad siyang nahilo matapos niya itong inumin. Binigyan daw siya nin 'ninang' ng gamot para sa sakit ng ulo. Nagpunta ang babae sa isang kuwarto para magpahinga, pero sinundan siya ni 'ninang,' na naghubad at hinawak-hawakan ang katawan ng babae. Dumating ang may-ari ng tindahan, at ni-rape niya ang babae.
Nanood lang daw si 'ninang' sa tabi ng kama, at sinabi niya sa kanyang boyfriend na gusto rin niyang makipag-sex sa lalaki. Sagot ng lalaki, "mamaya ka na! unahin natin ang anak mo."
Ayon sa magkasintahan, imposibleng nagawa nila ito sa babae, pero hindi sila pinaniwalaan ng judge. Sila ay maaring makulong ng walo't kalahati, hanggang siyam na taon. Sa ngayon ay maari pa nilang i-apelya ang kaso.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH