Ang" />

Ang"/>

Mobster Vincent Asaro, inspirasyon ng pelikulang "Goodfellas," naaresto ng FBI!

2015-04-14 15

Mobster Vincent Asaro, inspirasyon ng pelikulang "Goodfellas," naaresto ng FBI!


Ang pelikula ay "Goodfellas."
At ito si Jimmy Burke, o Jimmy the Gent.

At ang heist? Nangyari iyon noong 1978, sa lugar na ito -- ang Lufthansa cargo terminal sa JFK, na noon ay itinawag na Idlewild.

Si Burke daw ang mastermind sa likod ng pagnanakaw na ito, pero walang makapagpakita ng ebidensiya.

Pero itong nakaraang linggo, tatlumpu't limang taon matapos ang insidente, nahuli ng FBI ang lalaking ito na si Vincent Asaro, na nakaabot sa edad na 75 bago siya naaresto. Siya raw ay kapitan sa Bonanno crime family, at nahuli siya dahil may nagsabi sa FBI na kasangkot siya sa pagnanakaw sa Lufthansa.

Si Asaro ay naaresto nang nahanap ng FBI ang natitira sa bangkay ni Paul Katz, sa ilalim ng isang bahay na minsan ay nasa pagmamay-ari ni Burke. Tinulungan ni Katz na magtago ng mga stolen goods sina Asaro at Burke, pero pinatay pa rin nila ito sa pamamagitan ng isang dog chain, dahil naghinala silang nagsusumbong ito sa pulis.

Nakakalito ba ang kuwentong ito?

Ito na lang ang panoorin ninyo, para mas malinaw...


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH