Philip Scholz, namatay habang nililigtas ang isang lalaki sa Santa Clara train station!

2015-04-14 11

Philip Scholz, namatay habang nililigtas ang isang lalaki sa Santa Clara train station!


Ang Silicon Valley marketer na si Philip Scholz, ay namatay noong Lunes, January 20th, habang nililigtas ang buhay ang isang lalaki.

Si Scholz ay nasa isang raised platform sa Santa Clara station, at hinihintay na dumating ang kanyang tren, nang pakita niya ang isang lalaking nakahiga sa tracks, habang parating ang express train.

Mabilis na pinuntahan ni Scholz ang lalaki para tulungan itong umakyat sa platform.

Pero hindi huminto ang northbound express train sa station na ito, at tumatakbo ito sa bilis na 50 to 70 miles per hour.

Pagdating ng tren, sinubukan ng lalaking iwasan ito, pero huli na ang lahat. Nabangga ng tren ang dalawang lalaki, at nagpatuloy sa pagtakbo.

Si Scholz ay namatay sa impact, samantalang ang lalaking kanyang tinulungan ay hindi namatay; siya ay nasa kritikal na kondisyon sa ospital.

Hindi malinaw kung bakit nakahiga sa tracks ang lalaki, at kung paano siya naligtas sa impact ng tren.

Naiwan ni Scholz ang kanyang pitong taong asawang si Emily, na nakilala niya noong sila ay nasa kolehiyo.

Ang memorial service para kay Philip Scholz ay gaganapin sa February 10, alas diyes ng umaga, sa Veterans Memorial Building sa Pleasanton.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH