HK Billionaire Cecil Chao, naghahanap ng lalaking asawa para sa lesbian na anak!
Ang Hong Kong billionaire na si Cecil Chao ay magbibigay ng 1 billion Hong Kong dollars, o 120 million USD, sa kahit na sinong lalaking mapapapayag na magpakasal sa kanya, ang 33-year-old na anak ni Chao na si Gigi Chao, isa sa pinakakilalang LGBT activists, at founder ng Big Love Alliance LGBT rights advocacy group sa Hong Kong.
Si Gigi Chao ay isang lesbian, at siya rin ay may asawa na! Noong 2012, nagpakasal sila ng kanyang longtime partner na si Sean Eay, sa France. Pero salamat sa malaking offer ng kanyang ama, ay walang patid ang pagdating ng mga nakakalokang marriage proposals kay Gigi. May mga kandidato pang nagpapadala ng litrato ng kanilang kalalakihan -- as if naman interesado si Gigi!
Pero mahirap man ang sitwasyon na ito para kay Gigi at Sean, mas mahirap ito para sa tradisyonal na Chinese na magulang, gaya ni Cecil Chao.
Ayon kay Confucius, ang mga anak ay dapat na magpakasal na taong pinili ng kanilang mga magulang, at mabilis na magkaroon ng anak na lalaki, para ipagpatuloy ang pangalan ng kanilang pamilya. Ang pagsaway ng mga anak sa tradisyon na ito, ay maipapahamak ang kanilang magulang, na maghihirap sa susunod nilang buhay! Ito ay hindi matatanggap ng kahit na anong Confucian na magulang, mas lalo na ang mga magulang na mayaman at makapangyarihan.
Pero sorry na lang kay Cecil Chao, at nakalipas na ang panahon na pwede niyang taliin ang mga paa ni Gigi, bago ito piloting pakasalan ang isa pang mayaman na lalaki. Ang ina ni Gigi ay isang Evangelical Christian, na naniniwalang ang pagiging gay ay isang choice, kaya hindi rin niya suportado ang relasyon ng kanyang anak. Pero ayon kay Gigi, ay mahal niya ang kanyang mga magulang, at sila raw ay may magandang relasyon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH